Naghain din kahapon ng COC si dating Manila mayor Isko Moreno Domagoso para sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod.
Nagmistulang blockbuster na pelikula ang paghahain ni Yorme ng COC sa Comelec filing site sa Cinema 12 SM Manila dahil sa pagbuhos ng kanyang mga tagasuporta.
Mula sa bahagi ng Arroceros Park, sa Kartilya hanggang SM Manila ay hindi mahulugang-karayom sa dami ng tao na nagpakita ng suporta sa dating alkalde.
Kasamang naghain ng COC ni Yorme ang kanyang pamilya kung saan tumatakbo ring city councilor ang anak nitong si Joaquin Domagoso sa unang Distrito ng Maynila.
Kasabay ni Yorme ang kanyang magiging bise alkalde na si Chie Atienza na naghain ng COC at iba pa nilang mga kaalyadong konsehal.
Sa panayam, iginiit ng dating alkalde ng Maynila na ang kanyang pagbabalik ay dahil sa kagustuhan ng taumbayan at ng batang Maynila. Plano niyang ibalik sakaling palarin, ang mga nawala o natigil aniyang pribilehiyo lalo na sa mga senior citizen. (JOCELYN DOMENDEN)
61