JAIL GUARD, EX-PDL ARESTADO SA PAGPATAY SA MAG-INA

ARESTADO ang isang jail guard ng Bureau of Corrections (BuCor), at isang dating person deprived of liberty (PDL) dahil sa pagkakasangkot sa kidnapping and robbery incident sa Quezon City noong Hunyo, ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes.

Iprinisenta ni NBI Director Jaime B. Santiago ang mga suspek na sina Corrections Officer 1 Pio Jonathan Aniero Eulalio at former PDL Raymond David Reyes.

Sinabi ni Santiago, sina Eulalio at Reyes ay naaresto ng mga operatiba sa pangunguna ni NBI Homicide Division (NBI-HD) noong Hulyo 11 at Hulyo 12 sa Cavite.

Aniya, ang dalawa ay mga suspek sa pagpatay kay Christian Razon Ortega at ina nitong si Gloria Razon Ortega.

Ang mga suspek ay sinampahan sa Department of Justice (DOJ) ng kasong robbery with homicide, at kidnapping for ransom with homicide.

Ayon sa NBI, sa pagkakadakip kina Eulalio at Reyes, isiniwalat ng mga ito na ang kanilang employer ay si Vergel Burata Olanda na nadakip noong Hulyo 12, at ngayon ay nasa kustodiya na ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).

Humingi rin umano ang mga suspek sa pamilya ng mga biktima ng P5 milyon bilang ransom ngunit kalaunan ay pinatay rin si Gloria na natagpuan ang bangkay sa tabi ng dump site sa bayan ng Bay sa lalawigan ng Laguna noong Hulyo 12.

 

(RENE CRISOSTOMO)

106

Related posts

Leave a Comment