JEANLY LIN UMAANI NG SUPORTA SA NOVA

PATOK sa hanay ng mga kabataang botante ang dalagitang philanthropist na tumatakbo sa posisyon na Sangguniang Kabataan chairperson sa Barangay San Bartolome, Novaliches sa Quezon City.

Lumitaw sa isang non-commissioned survey na isinagawa ng Eidiya Research Group, nakuha ni Jeanly Lin ang pinakamataas na awareness rating na 89% mula sa mga batang respondent na may edad 15 hanggang 30 taong gulang sa Barangay San Bartolome.

Ang mahigpit nitong katunggali na si Judielyn Francisco ay pumapangalawa na may 75% awareness rating.

Sa kategorya ng preference rating (napupusuan), nanguna pa rin si Jeanly Lin na nagkamit ng 50% sa random survey na nilahukan ng 500 kabataang botante. Sa nasabing bilang, 54% ang nagmula sa hanay ng mga kapwa niya babae.

Nasungkit din ni Lin ang kategoryang “most preferred SK Chairperson” sa lahat ng socio-economic class sa naturang barangay na may 50% preference rating.

Sa pagpili ng kursunadang mailuklok bilang SK chairman, inilahad ng mga respondents ang dahilan sa pagpili nila kay Lin. Anila, sanay na makisalamuha si Lin sa kanyang komunidad at mainam ang mga programa nito kaya gusto nila itong mamuno sa hanay ng mga kabataan.

Kilala si Lin sa mga kawanggawa, sa pagbibigay scholarship at regular feeding program na pinasimulan niya noong kasagsagan ng pandemya hanggang sa naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng mga panuntunan alinsunod sa Omnibus Election Code.

Mayorya ng lumahok sa survey ay naglahad na edukasyon ang pangunahing pangangailangan ng mga kabataan sa Barangay San Bartolome upang maibsan ang tambay o palaboy na mga bata.

Ang hiling nila sa mananalong mga opisyal ng SK ay tugunan ang programang balik-eskwela para sa mga kabataan, lalo na ang napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan na dinaranas ng kanilang pamilya.

Bukod sa edukasyon, naitala rin ang pangangailangan ng sports program para sa mga kabataan ng Barangay San Bartolome upang maging mekanismo sa iwas droga

Bago pa man sumabak sa pulitika si Jeanly, mahigit isang taon siyang naging bahagi ng isang private foundation na nagkakaloob ng scholarship program sa mga kabataan sa kanilang pamayanan.

278

Related posts

Leave a Comment