JOB ORDER EMPLOYEE NG BI, SINIBAK SA PANGINGIKIL

SINIBAK sa serbisyo ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang job order employee na naaresto noong Nobyembre 22 sa Muntinlupa City.

Ang BI employee ay kasama sa 9 iba pa na naaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) matapos na magpakilala na mula siya sa National Bureau of Investigation (NBI) at pumigil para pagnakawan ang isang Chinese national na nakatira sa Ayala Alabang Village.

Nabatid na ang empleyado ay nagpakilala na siya ay isang immigration officer nang siya ay arestuhin.

 “Upon checking our records, we confirmed that he is not an immigration officer, but rather a job order employee,” ani Tansingco.  “As a job order employee, he was not authorized to conduct arrests, and was actually assigned to do simple office tasks,” dagdag pa niya.

Ang job order employees ay contractual personnel ng Bureau, na may anim na buwan kontrata sa office services para sa ahensiya.

Matapos na mapag-alaman ang misrepresentation, ay agad na ipinag-utos ni Tansingco ang pagsibak sa nasabing empleyado.

Nakipag-ugnayan na rin ang PNP para tiyakin ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa nabanggit na empleyado. (JOEL O. AMONGO)

40

Related posts

Leave a Comment