JOBLESS TIMBOG SA 5 COUNTS NG RAPE

ARESTADO sa mga tauhan ng District Police Intelligence Unit (DPIOU) ng Manila Police District, ang isang 24-anyos na jobless na wanted sa kasong 5 counts ng rape at 2 counts ng acts of lasciviousness, sa North Olympus Subdivision, Novaliches Quezon City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Don”, 24, residente ng Brgy. Doña Imelda, Quezon City.

Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng DPIOU, bandang alas-12:55 ng hapon nang mamataan ang suspek sa harap ng isang subdivision sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City at agad inaresto.

Ang suspek ay top 4 most wanted person sa regional level. (RENE CRISOSTOMO)

42

Related posts

Leave a Comment