JOBLESS TIMBOG SA P349-K SHABU

SHABU-CUSTOM NAIA

TIMBOG ang isang binatang tambay na kabilang sa drug watchlist sa Maricaban, Pasay City makaraang isumbong ng kapitbahay hinggil sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Naaktuhan nina P/Cpl. Jose Mario Blas at mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Pasay City Police Station, ang suspek na Keith Malaque, residente ng #0288 R. Higgins St., Brgy. 185, Zone 18, Maricaban, Pasay City, habang hawak ang nakabuhol na plastic sachet ng shabu at nang kapkapan ay nakakuha rin ang sigarilyo na may lamang tatlong sachet pa ng shabu.

Mabilis na inaresto ang suspek ng mga pulis at binasahan ng Miranda rights hinggil sa posibleng kahaharaping kaso.

Ang suspek na dinala sa Pasay Police SDET para sa kaukulang pagsisiyasat at disposisyon, ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (DAVE MEDINA)

123

Related posts

Leave a Comment