KAGAWAD UMIWAS MAKADISGRASYA, MINALAS, PATAY  

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 56-anyos na kagawad nang mahulog mula sa sinasakyang barangay patrol nang tangkaing iiwas sa disgrasya ang isang lolo na sakay ng bisekleta sa Imus City sa lalawigang ito.

Isinugod sa Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Dante Deluz, kagawad ng Brgy. Malagasang 1-E, Imus City ngunit dakong alas-8:00 noong Miyerkoles ng gabi ay nalagutan ng hininga habang nagalusan naman si Efren Sico, 71, may asawa, ng #186 Lance Ville, Brgy. Malagasang 2-A, Imus City.

Sa ulat ng Imus City Police Station, dakong alas-7:30 noong Miyerkoles ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Anabu 2-D habang binabagtas ng dalawang sasakyan ang parehong direksiyon.

Minamaneho ni Sico ang kanyang electric bike habang sakay naman ang biktima sa isang barangay patrol na tricycle na minamaneho ni Eduado Lansangan, isang Bantay Bayan.

Parehong binabagtas ang west to east direction patungo sa Anabu Coastal, Brgy. Anabu 2-D nang masagi ng kaliwang bahagi ng electric bike ni Sico ang harapan ng barangay patrol.

Bunsod nito, tinangka ni na Deluz na abutin ang e-bike upang mailayo ito sa barangay patrol ngunit nawalan siya ng balanse at nahulog sa kalsada.

Bumagsak din si Sico na bahagyang nasugatan ngunit agad na tumayo at nagpatuloy sa pagbibisekleta. (SIGFRED ADSUARA)

74

Related posts

Leave a Comment