KAGUTUMAN SINALAMIN SA WORLD PANDESAL DAY

MISTULANG naging salamin ng kahirapan ang ginanap na pagdiriwang ng World Pandesal Day kahapon kung saan natalakay ang lumalaking bilang ng pamilyang naghihirap, graft and corruption at lumolobong utang ng Pilipinas

Inilantad nina Senador Panfilo Lacson at Senador Imee Marcos ang mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa partikular ang kagutuman at food security sa ginanap na talakayan sa Kamuning Bakery and Café sa Quezon City.

Sinang-ayunan ito ni Wilson Lee Flores ang may-ari ng pinakamatandang panaderia sa Pilipinas dahil sa dami ng dumagsang tao sa Kamuning Bakery and Café para makibahagi sa ipinamimigay na libreng pandesal at iba’t ibang uri ng palaman sa tinapay tuwing ipinagdiriwang ang World Pandesal Day.

Ayon kay Wilson Flores, marahil dala na rin sa kahirapan ng buhay kaya maraming tao ang dumagsa at pumila sa ipinamimigay nilang libreng pandesal.

Umabot sa 100,000 pandesal breads at iba pang mga treats gaya ng keso, sardinas, ham, coffee, juices, at fruit jams ang ipinamudmod ng 85-year-old na panaderia bukod sa mga ipinamahagi sa iba’t ibang bahay-ampunan kahapon.

Inihayag pa ni Flores na hindi lamang pandesal ang ipinamahagi nila para sa mga urban poor, katuwang ang Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. at iba pang sponsors, dahil bago ang World Pandesal Day ay nag-donate din sila ng public school building sa Sinait Integrated School sa liblib na Brgy. Sinait sa Tarlac City, Tarlac province, na sinaksihan mismo ni Tarlac Rep. Christian Yap, Tarlac City Vice Mayor Aro Mendoza, Pico Cojuangco Guingona (apo ni ex-governor Tingting Cojuangco at ex-Congressman Peping Cojuangco), siyam na Tarlac City Councilors, at principal Michael Bungay, Barangay Capt. Catalino Tonelada III, kasama sina Tarlac Filipino Chinese Chamber officers sa pangunguna ni Benigno Chua, William Co, Tarlac Councilor Ato Chua, Calvin Tan.

Sa nasabing 10th World Pandesal Day ay nagparating din ng mga mensahe ng suporta sina Pangulong Bongbong Marcos at Pangalawang Pangulo Sara Duterte para sa proyektong pansibiko at pangkultura bukod kina Senator Ping Lacson at Imee Marcos.
(JESSE KABEL RUIZ)

13

Related posts

Leave a Comment