NADAGDAGAN ang naitalang mga kaso ng dengue at leptospirosis sa National Capital Region (NCR).
Ito ang pinaka-latest na datos ng Department of Health (DOH) – NCR na inihayag sa ginanap na “Kapihan sa Media”.
Nabatid na naabot na umano ng nasabing rehiyon ang alert threshold pagdating sa kaso ng dengue.
Sinabi ng DOH-NCR, mas mataas ng 53% ang naitalang kaso kumpara sa nagdaang 5 taon na walang outbreak average, kung saan 24,232 ang dengue cases sa Metro Manila mula January 1 hanggang October 26, 2024, at 66 ang naitalang nasawi.
Giit ng DOH-NCR, nagpapakita ito ng bahagyang pagdami o tumataas ang bilang ng mga indibidwal na tinatamaan ng dengue.
Sa kaso naman ng leptospirosis, sinabi ng DOH-NCR na may ilang lugar sa Metro Manila ang naabot na ang epidemic threshold o ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng naturang sakit.
Nasa 2,734 kaso ng leptospirosis sa NCR ang naitala mula January 1 hanggang October 26, 2024 at 216 ang nasawi. (JULIET PACOT)
74