KASO SA BUTUAN VICE MAYOR KILLING HILING MAILIPAT SA DOJ

(NI RENE CRISOSTOMO)

MISMONG abogado ng pamilya ng pinatay na  Batuan Vice Mayor Charlie Yuson III ang humiling na mailipat sa Department of Justice (DoJ) , ang preliminary investigation  laban sa  mga kinasuhan  suspek , sa Sampaloc,Manila.

Ayon kay Atty. Edward Marcaida, sa ginanap na press conference, hiniling ng kampo ni Yuson na ang DOJ  ang humawak ng kaso sa halip na kay Manila City Asst. Prosecutor Jovencio Senados.

Pinag-aaralan din umano ng kampo ni Yuson na kasuhan si  Senados matapos nitong ‘i-refer for further investigation ‘, ang kaso.

Samantala, nanawagan naman si Lalaine Yuson, biyuda ng pinaslang na alkalde, kay Pangulong Rodrigo Duterte  na matulungan sila sa  kaso para lumabas ang katotohanan .

Iginiit ni Lalaine na walang iligal na aktibidad ang kanyang mister tulad ng pinalulutang ng iba na sangkot ito sa iligal na droga at gun running activities.

145

Related posts

Leave a Comment