KC MONTERO, HIGIT 100 IBA PA INARESTO SA MAKATI BAR

IPINAGHARAP ng reklamo ang ang mahigit 100 katao na nahuli sa Skye Bar sa 18th Floor, M1 Tower, 141 H.V. Dela Costa St., Brgy. Salcedo Village, Makati City dakong alas-5:35 ng hapon noong Linggo.

Kabilang sa kinasuhan ang actor-TV host na si KC Montero o Casey Miller sa totoong buhay, at ang isa sa mga may-ari ng bar na isang Felix Maramba.

Sina Miller, Maramba at mahigit 100 na iba pang local at foreign national ay dinakip sa bar sa Makati dahil sa hindi pagsunod sa social distancing kaugnay sa pandemic COVID-19.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Makati City Police na isang bar at mga parukyano nito ang lumalabag sa ipinatutupad na social distancing habang kumakain at nag-iinuman ng alak.

Nakumpirma nina PMaj. Gideon Ines, ACOPO at pinagsanib na pwersa ng INTEL, SOPS at TMRU, na may katotohanan ang sumbong hinggil sa paglabag sa health protocol kaya tuluyang hinuli ang grupo.

Nahaharap ang mga dinakip sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. (DAVE MEDINA)

247

Related posts

Leave a Comment