Kitang-kita sa CCTV SALVAGE VICTIM HINULOG SA VAN

KITANG-KITA sa CCTV kung papaano inihulog mula sa isang puting van ang isang hindi kilalang biktima na nang makitang gumagalaw pa ay muling pinagbabaril ng suspek noong Miyerkoles ng madaling araw sa Paco, Manila.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40-anyos ang biktima, may taas na 5’7, katamtaman ang kulay ng balat, medium built, nakasuot ng pulang t-shirt at puting shortpants.

Base sa ulat ni Det. Arvin Bautista na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:17 ng madaling araw nang mamataan ang isang puting Mitsubishi L-300 van na hindi naplakahan, nang ihulog ang isang lalaki sa panulukan ng Pres. Quirino Avenue at Leon Guinto St. sakop ng Brgy. 692, Zone 75 sa Paco.

Sa kuha ng CCTV, kitang-kitang pumarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ang isa sa mga suspek at hinatak pababa mula sa mga paa ang biktima.

Hindi muna sumakay ang lalaki at nang makita nitong gumagalaw ang kamay ng biktima ay muli nitong binaril saka mabilis na pinaharurot ang van.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay sa biktima. (RENE CRISOSTOMO)

52

Related posts

Leave a Comment