KONSEHAL NA PROTEKTOR SA ILIGAL, POPOSASAN DIN

isko22

(NI HARVEY PEREZ)

TINIYAK ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Domagoso  (Moreno) na poposasan din niya ang mga konsehal ng Maynila na mapatutunayang ‘patong’ sa iligal na droga at pasugalan.

Ang pahayag ay sinabi ni Moreno sa kanyang talumpati sa kanyang State of the City Address (SOCA) sa pagbubukas ng ika 11 regular session ng Manila City Council.

“Kung sino man ang involved sa inyo dito sa sugalan, itigil na ninyo yan hindi kayo siga, kayo pa naman ang konsehal tapos kayo ang hahawak ng sugalan, ano kayo walang pamahalaan kung iyong mga barangay chair ay poposasan ko, kayo rin mga Konsehal,” ayon kay Moreno.

Sinabi pa ni Moreno na di naman niya tinukoy ang pangalan na tapos na ang kanilang panahon dahil iba na ang mayor ngayon ng Maynila.

Ayon sa alkalde, hindi naman siya  nagkulang ng paalala  kung  pinagbawalan niya  ang mga chairman sa pangongotong ay gayundin ang mga  Konsehal na huwag  maging protektor ng iligal na droga, pasugalan at anu pa mang iligal na aktibidad sa Maynila.

Sanhi ng walang isinumiteng report  ang administrasyon ni dating Manila mayor Joseph Estrada pinuna na lamang nito ang P2.9 bilyon na ginastos mula noong Mayo 13 hanggang Hunyo 28

Gayundin ang pangungulelat ng Maynila sa ranking sa social service.

“Labing pito lang ang siyudad ng Metro Manila , pang 17 ang Manila sa social services, ayon kay Moreno.

Tiniyak ni Moreno na mayroong mananagot dahil sa mga katiwalian ng nakalipas na administrasyon.

162

Related posts

Leave a Comment