Kung mananatiling dugyot RESIDENTE SA ESTERO SA MAYNILA, IDEDEMOLIS

UMAPELA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga pamilyang nakatira sa iskwater na kalimutan na ang ugaling dugyot at ayusin ang pagtatapon ng mga basura at huwag ihahagis sa ilog at iba pang waterways.

“Hindi porke squatter, kailangan ding maging dugyot, baguhin natin ang maling nakagawian. Inuunawa kayo ng pamahalaan pero ‘wag sana n’yo hintayin na isang araw naubos na lang ang pasensiya ng gobyerno,” pahayag ng alkalde.

Sa kabila na may katuwang ang lokal na pamahalaan sa paglilinis ng mga kanal sa pamamagitan ng estero rangers, dapat naman aniyng makipag- kooperasyon ang ibang mga residente.

“Tuloy-tuloy kami maglinis, tuloy-tuloy din kayo magtapon. Hindi ba nangangawit ang kili-kili ninyo sa katatapon ng basura? Huwag naman. Baka mamaya mapilitan kaming gibain namin kayo diyan,” pahayag ng alkalde.

“Hindi ho ba mas masaklap ;yun? Halimbawa, napagod na lang ang gobyerno na unawain kayo, unang-una ilegal po kayo diyan,” pahayag pa ng alkalde.

“Mga kababayan naman. Nasa ilog na nga kayo, squatter na nga kayo, kailangan pa bang maging dugyot din ang pamumuhay ninyo? Tama na ‘yung sabihan tayong squatter. Squatter din ako pero ‘di naman kailangang maging squatter din ang pag-uugali natin. Ganun na nga katayuan natin, ganun pa rin ba ang gusto nating kapaligiran,” dagdag pa ng alkalde. (RENE CRISOSTOMO)

63

Related posts

Leave a Comment