LALAKI HULI SA BARIL AT GRANADA

SA pamamagitan ng isang confidential asset ng pulis, natimbog ang isang 38-anyos na lalaki sa panulukan ng España Boulevard at Vicente Cruz St. sa Sampaloc, Manila noong Martes ng madaling araw.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng District Investigation Division, District Police Intelligence Operation Unit (DID-DPIOU) ng Manila Police District ang suspek na kinilalang si Jonathan Chua y Juan, trike driver, ng #1344 Vicente Cruz St., Sampaloc.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Jacinto Malinao Jr., hepe ng MPD- DID-DPIOU, na isinumite kay MPD-District Director, P/ BGen. Rolando Miranda, bandang 1:30 ng madaling araw nang makipag-deal ang suspek sa isang asset hinggil binebenta nitong baril at granada.

Pagkaraan ay dinamba ng mga awtoridad ang suspek at nang kapkanan ay nakumpiskahan ng baril at granada.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition and Regulation Act) at RA 9516 (illegal possession of firearms and explosives). (RENE CRISOSTOMO)

73

Related posts

Leave a Comment