LALAKI SA QC KALABOSO SA PAGYAYABANG NG BARIL

0

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaking nagyabang umano ng kanyang mga baril sa gusali ng Eastwood City Cyberpark sa Barangay Bagumbayan, Quezon City.

Ayon sa QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nakatanggap sila ng reklamo na nuong Marso 30 ay naglabas ng kanyang mahabang armas ang suspek na si Jose delos Santos III, 46-anyos, habang nasa loob ng gusali kung saan siya naninirahan.

Nauna rito, nabatid sa QCPD na tumanggap ng delivery si delos Santos na hindi para sa kanya.

Makikita naman sa nag-viral na video sa social media na sinapak ni delos Santos ang delivery boy ng fastfood chain habang nasa lobby ng gusali at sinundan pa nito ang tumakbong papalabas na biktima at pinagmumura.

Habang sinisiyasat ang insidente ay muling nakatanggap ng reklamo ang QCPD na naglabas na naman ng kanyang armas si delos Santos na nagdulot ng panic sa mga tao ruon.

Agad na nagdispatsa ng mga tauhan ang QCPD para imbestigahan ang suspek sa kanyang tinutuluyan.

Bukod sa dalawang 9mm na baril ay nakarekober ang QCPD ng isang hand grenade mula sa suspek.

Batay pa sa dalawang video na itinuturong kuha umano ng suspek, parehong pinaputok ang isang 9mm na baril at isang long firearm mula sa bintana ng yunit ni delos Santos.

Nahaharap ngayon si delos Santos sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Republic Act 9516 o illegal possession of explosives.

Irerekomenda ng QCPD na mabawi ang rehistro ng baril ng suspek at ang kanyang lisensya na makapagbitbit ng armas sa labas ng tahanan. JG TUMBADO

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment