LASER ATTACK NG CHINA PINAKOKONDENA SA KAMARA

NAGHAIN ang militanteng mambabatas ng resolusyon para ipakondena sa mababang kapulungan ng Kongreso ang laser attack ng China sa Philippine Coast Guard.

Kasabay nito, nakasaad sa House Resolution (HR) 781 na inakda ng Makabayan bloc na magsagawa ng imbestigasyon sa pag-atake ng Chinese Coast Guard sa PCG na sakay ng BRP Malapascua sa bahagi ng Ayungin Shoal noong Pebrero 6.

“The legislative branch should issue its strongest condemnation on the incident and renounce any further activity that could escalate the tensions in the West Philippine Sea (WPS), ayon sa resolusyon nina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, ACT party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

Para sa mga nabanggit na mambabatas, ‘act of aggression” ang ginawa ng CCG sa PCG na hindi dapat ipagwalang bahala ng lahat lalo na ang Kongreso.

Kailangan din kondenahin ng Kongreso ang harap-harapang pag-aangkin ng China sa WPS at pangangatwiran ng mga ito na gaslighting ang ginawa ng kanilang puwersa.

“Gaslighting itong pahayag ng Chinese Ministry of Foreign Affairs. Tayo pa raw ang nanghimasok sa kanilang teritoryo nang walang pahintulot gayong bahagi ang Ayungin Shoal ng ating exclusive economic zone. Hindi rin katanggap-tanggap ang military action ng Chinese vessel sa counterpart nito sa Pilipinas,” ani Brosas.

Pagpapakita umano ito na hindi nirerespeto ng China ang soberanya ng Pilipinas na hindi dapat hayaan dahil kung hindi ay mawawala ang karapatan natin sa exclusive economic zone (EEZ) sa nasabing karagatan.

Ganito rin ang pahayag ni Castro dahil patuloy na ipinatutupad ng China ang kanilang nine-dash line sa Pilipinas na bunga lamang aniya ng kanilang imahinasyon at walang basehan sa kasaysayan at maging sa international laws.

“China is behaving like a true blue social-imperialist country now, socialist in name but imperialist in action by brazenly  trying to colonize territories and resources of other countries. They also say one thing and do the opposite,” ayon pa kay Castro. (BERNARD TAGUINOD)

90

Related posts

Leave a Comment