(Ni DAHLIA S. ANIN)
Dahil sa isinagawang nationwide strike mga organisasyon ng drivers at operator, nag-alok ng libreng sakay ang Local Government Units (LGUs), Philippine National Police (PNP) at ilan pang ahensya ng gobyerno upang hindi masyadong maabala ang mga manggagawa na papasok sa kanilang mga trabaho.
Pinoprotesta nila ang modernization plan para sa mga public utility vehicles (PUVs).
Nagdeploy ng mga transport truck at fire engines ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) upang asistahan ang mga pasahero na apektado ng transport strike.
Libreng sakay rin sa motor ang alok ng mga pulis mula sa MPD Station 11 sa Maynila.
Nanghingi naman ng pang-unawa sa mga commuters ang mga tsuper na lumahok sa strike at nagsabing ipinaglalaban lamang nila ang kanilang karapatan at kabuhayan.
161