LIBONG FISHERMEN, SENIORS SA PALAWAN INAYUDAHAN

UMABOT sa 1,589 mangingisda na apektado ng West Philippine Sea issue at mahihirap na senior citizens sa Palawan ang pinabigyan ng ayuda ni House Speaker Martin Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagpaabot ng Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pamamagitan ng cash ng DSWD sa bayan ng Aborlan, Palawan.

Si Speaker Romualdez and tumatayong caretaker ng district 3 ng Palawan matapos pumanaw si Rep. Edward Hagedorn.

“Inilapit sa atin nina Cong. Jose Alvarez at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang hinaing ng mga mangingisda pati na ang mga mahihirap na senior citizen sa nasabing bayan sa Palawan”.

Ani Romualdez, “sumbong sa akin ng mga fishermen doon, lubhang naapektuhan ang kita nila dahil lagi silang tinataboy ng mga Chinese Coast Guard”.

Nauna nang pinaabutan ni Romualdez ng scholarship grant ang may 600 estudyante na pawang anak din ng mga mangingisda roon.

Personal na dinalaw ni Speaker Romualdez ang lugar noong nagdaang linggo para marinig ang problema ng mga residente.

“Now we heard their problems, syempre gagawan natin ng paraan. after all, para ano pa na naging representative tayo nila sa Kongreso,” pahabol ng lider ng Kamara.

37

Related posts

Leave a Comment