LINGKOD NG SIMBAHAN, LINGKOD NG SAMBAYANAN Ed dela Torre sa Senado

GANITO ang panawagan ng pamunuan ng People’ Progressive Humanist Liberal Party (PolPHIL Party) nang hikayatin nila na sumabak sa Senado ang dating pari na si Edicio dela Torre para sa 2025 midterm election.

Inihayag ni Rodolfo ‘ Kid’ Cañeda, national chairman ng partidong PolPHIL, ang kapasyahan nilang piliin na senatorial candidate si Dela Torre nang magpulong ang kanilang national executive committee kamakailan sa Quezon City. Kalahok sa Execom meeting ang PolPHIL Council of Elders na si Ed dela Torre, kasalukuyang pangulo ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM); Rodolfo Salas, dating tagapangulo ng Communist Party of the Philippines at Nilo dela Cruz, labor leader.

Hindi agad tumugon si dela Torre, isa rin sa mga convenor ng West Philippines Sea – Atin Ito Coalition, sa anomang kagustuhan o pagtanggi sa kandidatura na inialok sa kanya. Sa halip, hinikayat niya ang kapulungan na lumikha ng isang tunay na estratehikong pangako sa pagsali sa mga pwersa nito sa parliamentary struggle.

“Every time the election season approaches, various social movements are active again which is a favorable condition for us to build a united front among their ranks”, wika ni Dela Torre.

Pinaalalahanan pa niya, na ang bawat maikling sandali ng electoral exercise ay masigasig ang mga botante at mga social movement kaya imbis na mapawi itong bigla, tungkulin nating ipaunawa ang kapangyarihan ng mamamayan at maitaguyod ang matagal na nating minimithi na alisin ang “bulok” na sistemang pampulitika sa ating bansa.

Sinabi ni PolPHIL Gen. Sec Ric Serraño, na taglay ni Tatay Ed ang mga katangian, integridad, pagkamakabayan at panlipunang kamalayan at ilang dekada na siyang naglilingkod para sa bayan.

Ang 81 taong gulang na si dela Torre ay ang nagtatag at presidente ng Education for Life Foundation (ELF), isang NGO na nagsanay sa mga pinuno ng mga kilusang katutubo at aralin na halaw sa buhay.

Sa edad 25-anyos ay naordinahan bilang pari si dela Torres sa ilalim ng Society of the Divine Word (Latin: Societas Verbi Divini) noong Disyembre 1968. Nagsisilbi siya bilang isang chaplain ng Federation of Free Farmers, organisasyon ng mga magsasaka na nakikibaka para sa reporma sa lupa.

“Ang pagpataw ng batas militar noong 1972 ang nagtulak sa akin na sumapi sa underground resistance. Para sa aming henerasyon ng mga Kristiyanong aktibista, ito ang aming binyag sa honest-to-goodness revolution,” saad ni dela Torre.

“Ako ay isang pari mula 1968 hanggang 1987, nang ilabas ng Vatican ang aking laicization (kautusang nagtitiwalag sa pari),” pahayag pa ni Torre.

23

Related posts

Leave a Comment