SIMULA bukas (Lunes) ng gabi ay ipatutupad na ang liquor ban bilang paghahanda sa Traslacion 2019 sa Miyerkules, ayon kay National Capital Regional Police Office chief (NCRPO) PDir. Guillermo Eleazar.
Pinayuhan ni Eleazar ang sasama sa Traslacion na huwag uminom habang ang iba namang deboto ay huwag na lang magdala ng mga bata, matutulis na bagay, alahas at droga.
Sinabi ni Eleazar na prayoridad pa rin ng PNP ang kaligtasan ng mga deboto at ng publiko sa ganitong malaking okasyon.
Umaabot sa 7,200 mga pulis ang ikakalat habang 2,000 sundalo ang tutulong para bigyang seguridad ang prusisyon. Kinumpirma din ni Eleazar na magkakaroon ng signal jam sa araw ng Traslacion gayun din ang pagbawal sa paglipad o paglayag habang isinagawa ang prusisyon.
159