ISANG low pressure area ang inaasahang makatutulong para maragdagan ang mababang antas ng tubig sa Angat dam, pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila, ayon sa Pagasa.
Bandang alas-3:00 ng madaling araw, ang namumuong bagyo ay nasa 595 kilometers northeast ng Borongan City, Eastern Samar, ayon kay Pagasa weather forecaster Meno Mendoza.
Gayunman, hindi magiging bagyo ang LPA sa susunod na 24-oras ngunit magbibigay ng mga pag-ulan sa Central Luzon, ang lokasyon ng Angat dam.
Tutungo ang LPA sa Taiwan bago matapos ang linggo.
Apektado ng LPA ang Metro Manila, Visayas, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Caraga, Davao Region, and Aurora province, ayon pa sa Pagasa.
205