LRT2 EXTENSION PROJECT 60% NANG TAPOS

lrt2

(NI KEVIN COLLANTES)

INIULAT ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes Santo na nasa 60 porsiyento nang tapos ang konstruksiyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) extension project ng pamahalaan.

Ang magandang balita ay inianunsiyo mismo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang ‘ceremonial track laying’ at installation ng Electro Mechanical System (EMS) sa Emerald Station sa Marikina City.

Ayon pa kay Tugade, target nilang sa taong 2020 ay mapakinabangan na ng mga residente ng Marikina at Antipolo City ang naturang panibagong railway project.

Aniya, sa pamamagitan ng naturang extension project ay mapapabilis  na ang biyahe o travel time mula sa Masinag Antipolo City hanggang sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila ng hanggang 40 minuto na lamang.

“Imagine a situation where you will travel from Claro M. Recto to Masinag, to Emerald, that will take easily three hours.  With the construction of the two stations to be finalized by the fourth quarter of 2020, that travel time will be reduced to a maximum of 40 minutes,” pahayag ni Tugade.

Sinabi pa ni Tugade na ang isinagawang seremonya ay hudyat na nasa “final phase” na ang proyekto.

Nabatid na bukod sa EMS installation ay ilalagay na rin ang signaling system, overhead catenary system, telecommunications system, power supply at distribution system upang magamit sa daily operations ng mga bagong ng LRT-2.

Ayon sa DOTr, ang proyekto ay may haba na apat na kilometro na magdurugtong sa Santolan Station sa Pasig City at magdaragdag ng dalawa pang stations na kinabibilangan ng Emerald Station sa Marcos Highway, Marikina City at Masinag Station sa Sumulong Highway, Antipolo City.

 

108

Related posts

Leave a Comment