MAAN TEODORO NAGHAIN NA NG COC PARA ALKALDE NG MARIKINA CITY

OPISYAL nang naghain si Maan Teodoro ng certificate of candidacy bilang alkalde ng Marikina City bitbit ang pangako na lalo pang pauunlarin ang siyudad sa pamamagitan ng digitalization at pinalakas na ease of doing business.

“Magtatrabaho tayo para mapaganda at mapalawak pa ang nasimulan ni Mayor Marcy. Una na rito ang sapat na pondo at suporta para sa ating small and medium enterprises,” wika ni Teodoro.

“Sasabayan natin ito ng pinaigting na pagpapatupad ng ating ease of doing business para mapagaan ang proseso para sa ating mga negosyante at upang makahikayat ng mas marami pang negosyo sa ating siyudad,” dagdag pa niya.

Binigyang diin din ni Teodoro ang kanyang hangarin na gawing climate-resilient city ang Marikina sa harap ng mga bantang dulot ng climate change para matiyak ang kaligtasan ng mga residente, lalo na tuwing may bagyo. Bahagi rin ng kanyang agenda ang digitalization ng mga proseso sa lokal na pamahalaan, para madali ang paghahatid ng mga programa’t serbisyo sa mga residente.

“Sa kabuuan, nais nating pagandahin at pagbutihin pa ang ating mahal na siyudad at makapaghatid ng mas marami pang serbisyo sa ating mga residente,” wika ni Teodoro, na ang running mate ay si incumbent Vice Mayor Marion Andres sa ilalim ng Team Marikina City.

Isasabak naman ng Team Marikina City si incumbent Mayor Marcy Teodoro at Donn Carlo Favis bilang kongresista ng Districts 1 at 2, ayon sa pagkakasunod.

Sa District 1, pambato ng partido sa konsehal sina Kate de Guzman, Cloyd Casimiro, Jojo Banzon, Pat Sicat, Rossette Sarmiento, Adams Bernardino, Hazel Golangco, at Ginny Santos Pioquinto.

Sa District 2, sasabak naman sa pagka-konsehal sina Angel Nuñez, Larry Punzalan, Fe Dayao, Jaren Feliciano, Michael Mojica, Bogs Reyes, Estelita Makiramdam, at Elvis Tolentino.

42

Related posts

Leave a Comment