MAG-AMA ARESTADO SA PAGPATAY

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest, ang isang mag-ama na sangkot sa pagpatay, sa Las Piñas City nitong Miyerkoles ng umaga.

Nabibilang sa top 1 at top 2 most wanted personality ang mag-amang sina Michael Poche, 30, jobless, at Nolie Poche, 57, foreman, kapwa nanunuluyan sa Christian Executive Village, Barangay Talon Singko sa nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat na nakarating na kay P/Lt. Col. Michael Garcia, station commander ng MPD-Malate Police Station 9, bandang alas-8:30 ng umaga nang maaresto ang mag-ama sa panulukan ng Bayabas St. at Duhat St., sa Las Piñas.

Ayon kay P/Capt. Gil John Lobaton, sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu nina Judge Alfredo Ampuan ng RTC Branch 40, at Judge Aida Layug ng RTC Branch 46, ay nadakip ang mga suspek sa nabanggit na lugar.

Walang inilaang piyansa ang korte para sa nasabing kaso ng mag-ama. (RENE CRISOSTOMO)

101

Related posts

Leave a Comment