MAGKAIBIGAN ARESTADO SA ECSTASY AT KUSH

Ni SAMANTHA MENDOZA

Dinakip ng mga elemento ng Manila Police District -Police station 5 ang magkaibigan matapos silang makuhanan ng high grade marijuana na “kush” at mga tableta pinaniniwalaan na ecstasy na nagkakahalaga ng P16,000 sa isinagawang buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa harap ng Starbucks,sa may CCP Complex, Maynila.

Nakadetine sa MPD-Police Station 5 ang mga suspek na si Justin Nathan Valiente y Meghrajani, alyas Bos, 23 ng 3 unit 3B Dagohoy Street Project 4, Quezon City at Angela Evans y Borja,20 ng 45 Peter Street, Peter Ville Subdivision Camp 7, Baguio City.

Ayon kay PSupt Igmedio Bernaldez, station commander ng MPD-PS 5, dakong alas-6:30 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation laban sa mga suspek  kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer.

Nang matapos ang transaksiyon dito sa na inaresto ang dalawa.

Nasamsam sa dalawa ang isang sealed plastic ng “Kush”, 5 kulay asul at 5 kulay berdeng tabletas na pinaniniwalaang ecstasy.

Nahaharap sa kasong paglabag sa  RA 9165 in relation to sec.5, 11 at 26 (buybust) alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutors Office ang dalawang suspek.

4

Related posts

Leave a Comment