MALOLOS TO TUTUBAN 35 MINUTES NA LANG

SA 24/7 work construction schedule, malapit nang matapos ang pinakahihintay na PNR Clark Phase 1 (Malolos to Tutuban) segment ng malaking North South Commuter Railway (NSCR) project.

Ayon sa report, ang overall progress rate ay nasa 42.66% hanggang Disyembre 31, 2020.

Sa gitna ng kasalukuyang pandemic, ang konstruksyon ng nasabing proyekto ay magpapatuloy sa ilalim ng mahigpit na implementasyon ng health protocols, kasama na ang konstruksyon ng temporary access roads, temporary bridges, temporary facilities, gayundin ang ‘bored piling works, structural excavation works, and fabrication of precast segment’.

Ito ay 38-km PNR Clark Phase 1, isa sa 3 segment ng NSCR project, ang malaki at sentro ng transport infrastructure “BUILD BUILD BUILD” program ng Duterte administration na magkokonekta sa Central Luzon, Metro Manila at CALABARZON sa ilalim ng isang railway network.

Sa pagtatapos ng PNR Clark Phase 1 ay nakikitang malaking kabawasan ito sa travel time mula Tutuban, Manila hanggang Malolos, Bulacan.

Ito ay mula 1 oras at 30 minutos ay magiging 35 minutos na lamang.

Ang scheduled partial operability sa proyekto ay sa katapusan ng kasalukuyang taon sa pagdating ng first sets ng trains.

Ang NSCR ay nagpapakita ng pagpapalakas sa kahulugan na mapabuti ang connectivity at mobility sa publikong mananakay sa buong rehiyon pati na rin sa nagtutulak ng country’s mass transportation systems para maging moderno ito. (JOEL O. AMONGO)

74

Related posts

Leave a Comment