MANAGEMENT NG GUBAT SA CIUDAD KINASUHAN NA

0

PORMAL nang inihabla ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pamununuan ng Gubat sa Ciudad matapos na tumanggap ng mga bisita sa kabila ng ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ilang araw na ang nakalilipas bagama’t bawal pang mag-operate ng recreational venues.

Kinasuhan ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act (Republic Act [RA] 11332) at Ordinance Mandating the Strict Implementation of Social or Physical Distancing of People and Other Relevant Measures to Curb the Spread of COVID-19, ang pangulo ng resort na si Rodolfo de Guzman Jr. at ang general manager na si Aleli de Guzman.

Inihain ang reklamo via online sa City Prosecutor’s Office ni City Health officer Evelyn Cuevas, at ng pinuno ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) na si Emmanuel Emilio Vergara.

Batay sa asunto, ang mga inihabla ay maaaring panagutin dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Omnibus Guidelines na may petsang April 15, 2021, kaugnay ng revised implementing rules and regulations ng RA 11332.

Magugunitang noong Linggo ay lumutang sa Internet ang larawan ng Gubat sa Ciudad sa Barangay 171, North Caloocan, kung saan halos puno ang pool ng mga lumalangoy at nang puntahan ng mga kawani ng BPLO ang resort ay nabulaga nila ang lagpas 500 bisita sa resort na kung hindi nagsisiksikan sa pool ay nagkukumpulan sa mga cottage at walang pakialam sa ipinatutupad na social distancing.

Nauna nang sinampahan ng kasong administratibo si Barangay 171 Chairman Romeo Rivera dahil sa umano’y kapabayaan nitong matyagan ang pagkukumpulan ng mga tao sa resort na bahagi ng kanyang nasasakupan.

Nakasaad sa mga panuntunan ng IATF na bawal ang operasyon ng recreational venues at indoor at outdoor tourist attractions kapag nakataas ang MECQ.

Hinimok na rin ng pamahalaang lungsod ang mga parokyano ng Gubat sa Ciudad na lumutant at sumailalim sa COVID-19 swab test.

Ayon pa sa City Hall, nagsagawa na rin sila ng contact tracing at testing sa mga bisita ng resort.

Ang multa para sa hindi makikiisa sa panawagang swab test ay hindi bababa sa P20,000 at hindi lalagpas ng P50,000, o pagkakulong ng hindi bababa sa isang buwan at hindi lalagpas sa anim na buwan, o pareho.

Nabatid naman mula sa Department of the Interior and Local Government, sa 496 bisita ng Gubat sa Ciudad sa nasabing araw, 108 pa lamang ang nakokontak at 72 na ang sumailalim at nagnegatibo sa COVID-19 swab test. (ALAIN AJERO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment