MANANAKAY NG MRT BUMABA — DOTr

mrt3

(NI MAC CABREROS)

“KUMAUNTI  ang tren kaya bumaba ang ridership sa MRT-3.”

Ito ang binigyang-diin ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Sa panayam ng media sa paglilipat sa operation at maintenance sa Clark International Airport ng DOTr at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Luzon International Premiere Airport Development
(LIPAD) Corporation, binanggit ni Tugade na nabawasan ng tatlong tren ang dating 18  tren na tumatakbo sa MRT.

Naiulat na nasilip ng Commission on Audit (COA) na bumaba ng 26 na porsyento ang ridership ng MRT sa loob ng apat na taon kung saan mula 140 milyon noong 2017 ay natapyasan ito ng  hanggang 104 milyon noong 2018.

Idinahilan din ng DOTr na nakaapekto ang ibinabang bilis ng takbo ng tren mula 60 kilometro kada oras ay ginawang 30kph.

Hinggil sa hindi paggamit ng Dalian train, sinabi Tugade na may nakatakdang patakbuhin habang kinukuha ang pahintulot  ng Sumitomo Corporation na siyang nangangasiwa sa rehabilitasyon at nagmamantine
ngayon sa MRT.

Hinggil sa naman sa operasyon ng Clark International Airport (CRK na ngayon), inaasahang lalong tataas ang ridership dito sa sandaling buksan ang ikalawang terminal dito sa ikalawang bahagdan ng sunod na
taon.

“To LIPAD, paliparin mo ang paliparan na ito. Make it go and make it grow, so it becomes the envy of airports within this country and all over the world,” pahayag Tugade.

Nabatid na nasa 75 porsyento nang tapos ang terminal 2 nang bisitahin ni  Tugade kasama BCDA president at CEO Vivencio Dizon, ang takbo ng construction dito.

160

Related posts

Leave a Comment