MANGINGISDA SA WPS PINAPOPROTEKTAHAN

MULING nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na siguruhin ang seguridad at kalayaang mangisda sa West Philippine Sea ng Filipino fishermen.

Ginawa ng lider ng Kongreso ang panawagan sa Navy at Coast Guard noong Sabado matapos sabihin ng China na huhulihin na nila ang papasok sa kanilang teritoryo simula Hunyo 15.

Ayon kay Speaker Romualdez, “gawin sana ng ating Navy at Coast Guard ang lahat to make sure na walang mangingisda natin ang mahuhuli nila sa mismong teritoryo natin.”

Inaangkin ng China ang WPS dahil ito raw ay bahagi rin ng South China Sea.

“Hindi tayo papayag na basta na lang huhulihin nila ang mga kababayan natin na naghahanapbuhay lang sa karagatan ng ating bansa,” dagdag pa ni Romualdez.

Sanib-puwersa ngayon ang Navy at Coast Guard sa pagbabantay ng WPS mula Zambales hanggang Palawan.

“We cannot afford to lose even just one fisherman to them who is simply making a living in our own waters,” ani Romualdez.

“Definitely, hindi tayo sang-ayon sa kautusan na yan ng China lalo na yung pagbabawal sa lahat ng mangingisda dahil sa pinaiiral nila na fishing ban daw diyan sa WPS,” pahabol nito.

47

Related posts

Leave a Comment