MANILA BAY RECLAMATION KINUWESTIYON SA SC

NAGPASAKLOLO kahapon sa Supreme Court ang grupo ng mga mangingisda at environmentalist para hilingin sa high tribunal na pigilan ang mapaminsalang dredging at reclamation sa Manila Bay.

Dumulog sa pamamagitan ng inihaing Petitions for Writ of Kalikasan and Continuing Mandamus ang grupo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) upang kwestiyunin ang umano’y malawakang pagkasira sa kapaligiran at kabuhayan ng mga mangingisda sa Manila Bay.

Pinapipigilan nito sa Korte Suprema ang pinsalang dulot ng reclamation at dredging sa Manila Bay.

Nais din nilang mapanagot ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Reclamation Authority (PRA) na responsable umano sa pag-apruba ng reklamasyon at seabed quarrying projects na anila’y nakaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda at kalikasan.

Ayon sa grupo, iniinda ng maraming mangingisda sa Manila Bay ang nasa 80-90% na binagsak sa arawang kita dahil sa mga proyekto.

Hindi anila sila titigil hanggang hindi tuluyang mahinto ang operasyon kahit pa sinuspinde na ang ilan sa mga naturang proyekto. (JULIET PACOT)

4

Related posts

Leave a Comment