MANILA BAY REHAB GUGUGOL NG P4.1 B PONDO SA 2020

manila bay

(NI ABBY MENDOZA)

TULUY-TULOY ang rehabilitasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay kung saan sa susunud na taon ay gugugol ito ng P4.1B para sa clean up at rehabilitation.

Sa budget briefing ng DENR, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na malaki na ang naging pagbabago ng Manila Bay mula nang simulan ang paglilinis noong Enero kung saan  nabawasan na ang mga basurang palutang-lutang sa dagat at bumaba rin ang fecal coliform level dito.

Patuloy din ang monitoring ng DILG, MMDA, LLDA at DPWH para tiyakin na nag-co-comply sa sewerage treatment ang mga establisyimento na nakatayo malapit sa Manila Bay.

Ayon kay  Environment Underdecretary Juan Miguel Cuna, nasa Phase 1 pa rin ang clean up operation sa Manila Bay kung saan obligado ang mga barangay na nakasasakop sa lugar na magsagawa ng lingguhang paglilinis.

Aminado si Cuna na bagama’t nasimulan na ay hirap pa rin ang ahensya pagdating sa relokasyon ng mga informal settlers at  natatagalan ito dahil patuloy ang kanilang paghahahanap ng maayos na lokasyon para sa mga ito.

Nasa P25.5B ang hinihinging pondo ng DENR sa susunod na taon,  mas mataas ng 16% kumpara sa P21.9B noong 2019.

180

Related posts

Leave a Comment