MANILA COURTS, 4-DAY LOCKDOWN

SIMULA Hunyo 15 hanggang Hunyo 19, isinailalim sa lockdown ang Manila courts sa Old Ombudsman Building na kinaroroonan ng mga sala ng Manila Regional Trial Court at Metropolitan Trial Court.

Sa memorandum na inisyu ni Executive Judge Carissa Anne Manook-Frondozo, sa nabanggit na panahon ay ipagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa nasabing gusali.

Ang lahat ng mga empleyado na nag-oopisina sa gusali ay obligadong sumailalim sa self-quarantine, umiwas na magkaroon ng contact sa publiko, gayundin ay magsasagawa ng contact tracing sa lahat ng nakahalubilo ng mga ito sa sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa sandaling makaramdam ng sintomas ng COVID-19, kailangang ipaalam ang kanilang kondisyon sa kani-kanilang barangay health workers sa lalong madalong panahon.

Sinabi ni Supreme Court (SC) Public Information Chief at Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka, iniutos ang lockdown matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang public prosecutor na na-trace na nagpunta sa Old Ombudsman Building.

Nilinaw ni Hosaka, ang apektadong mga tanggapan ay sarado ngunit patuloy n ang kanilang operasyon gaya ng video teleconferencing at pagtangga ng pleadings sa pamamagitan ng online.

Samantala, ang lokal na amahalaan naman ang magtatakda ng schedule ng disinfection at sanitation ng buong gusali. (RENE CRISOSTOMO)

77

Related posts

Leave a Comment