MEGA FARMS PROJECT ITINUTULAK NG DAR

TILA ang pagsusumikap ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na mapababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay mailap pa rin dahil patuloy na bigo ang pamahalaan na maisakatuparan ito.

Bunsod nito, patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas mula P35 hanggang P60 pesos kada kilo ito’y dahil na rin umano sa hindi pagiging stable ng sektor ng agrikultura at agricultural product sa bansa.

Ayon kay dating DAR Secretary Bernie Cruz, nakikita nito na makakamit ang pagsasakatuparan ng pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “mega farms project” sa ating mga sakahan.

Sinabi ni Cruz sa isang interbyu na posibleng maipatupad ang P20 kada kilo ng bigas sa sandaling maisakatuparan ang pagtatayo ng “mega farms” upang pagsama-samahin ang maliliit na lote ng sakahan upang maging “mega farms” para sa produksyon ng palay.

Ayon pa kay Cruz na ang konsepto ng “Mega Farm” ay isang kumpol ng magkadikit na mga sakahan na pinagsama-sama upang bumuo ng isang malaking plantasyon na may kakayahang gumawa ng malaking bulto ng produktong sakahan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamimili.

Si Cruz na siyang proponent ng proyektong “mega farm” na siyang magbibigay sana na malaking hakbang para sa posibleng maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo sa sandaling maipatupad ang mega farms project.

Bunsod nito tila naging pangarap na lamang ang proyekto para sa “mega farm” at para na rin maisakatuparan ang P20 kada kilo ng bigas simula ng mawala si dating Sec. Bernie Cruz .

Kaugnay nito nabatid sa pag-aaral na ginawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang 150,000 ektarya ay maaaring makagawa ng 142 kaban ng palay kada ektarya kada taniman. Kikita ang mga magsasaka ng P76,501.00 taun-taon para sa mga ARB.

Ayon pa kay Cruz na kung masisimulan ang mega farms project, hindi lamang nito ibababa ang presyo ng bigas sa P20, kundi palalayain din nito ang mga magsasaka mula sa kahirapan. (PAOLO SANTOS)

43

Related posts

Leave a Comment