INIREKOMENDA ni Senador Raffy Tulfo ang pagpapatupad ng one-strike policy laban sa mga abusadong employer ng mga domestic worker at mas mataas na criminal liability para sa kanila.
Kasunod ito ng insidente ng pagmamaltrato at pang-aabuso sa kasambahay na si Elvie Vergara ng kanyang amo mula sa Occidental Mindoro.
Sinabi ni Tulfo na ang dinanas ni Vergara ay dapat maging “wake up call” para sa Senado upang ireview ang Domestic Workers Act at iba pang mga batas na nauukol sa mga domestic worker.
Sinabi ng senador na hindi ito ang unang pagkakataon na may kasambahay na naaabuso.
Sinabi ni Tulfo na kadalasang ginagamit ng mga abusadong amo ang Qualified Theft bilang panakot sa mga kasambahay nila kaya nais din niyang rebisahin ang batas para rito.
(Dang Samson-Garcia)
162