Mga OFW, tutol sa e-sabong — AkoOFW

MADIIN ang pagtutol ng AkoOFW sa mungkahi na gawing legal ang e-sabong.

Bagamat aminado ang AkoOFW na kailangan dagdagan ang pondo para sa patuloy na pagbibigay ng social services sa mamamayan, hindi solusyon ang panukalang payagan ang muling pagbubukas ng e-sabong.

“In my humble opinion, there are other ways where we can generate revenue, and definitely legalization of e-sabong is not one of them,” sinabi ni AkoOFW Chairman Dr Chie Umandap.

Dinagdag pa ni Umandap na may ilang nagsabi sa kanya na ang ilang dambuhalang operator ng e-sabong ay naglaan ng “lobby money” upang maitulak ang pagpapasa-legal ng online sabong.

45

Related posts

Leave a Comment