MGA OPISYAL NG MARINA INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ang ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Maritime Industry Authority (Marina) ng United Filipino Seafarers dahil sa umano’y pagpapalawig nito ng special permit para sa mga banyagang dredger na karamihan ay Chinese.

Kabilang sa inireklamo sina MARINA Administrator Sonia B. Malaluan; dating admin Hernani Fabia, Atty. Jabeth Dacanay, dating Chief of Staff ng Office of the Administrator, Atty. Marc Pascua, NCR-MARINA Director at Atty. Rowena Hubilla, Director ng MARINA-Domestic Shipping Office.

Ipinagharap ang mga ito ng reklamong grave misconduct, grave abuse of authority, conduct prejudicial to the best interest of the service, at paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Republic Act No. 7080 (Plunder Law).

Sa complaint affidavit, sinabi ni Engr. Nelson Ramirez, chairman Emeritus ng UFS (United Filipino Seafarers) na nilabag ng mga respondent ang mga regulasyon nang paboran ang mga banyagang kumpanya kaysa sa mga lokal na stakeholder ng maritime.

Sinabi pa sa reklamo ng United Filipino Seafarers na nabigo umano ang MARINA na kolektahin ang mga multa at maling klasipikasyon ng mga dredger, na nagdulot ng pagkalugi sa gobyerno.

Kaugnay nito, binigyang-diin din sa reklamo ng UFS ang nakababahalang isyu ng mga may-ari at operator ng Chinese dredger sa gitna ng umiiral na tensyon sa West Philippine Sea.

Samantala, nanawagan ang grupo ng agarang preventive suspension ng mga respondent na nasa gobyerno pa rin.

Bukod dito, hiniling din ng grupo ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa lahat ng respondent para sa paglabag sa RA 3019 at RA 7080 o Plunder Law. (PAOLO SANTOS)

30

Related posts

Leave a Comment