MGA PEDICAB SA PASAY, HINDI PAPASADA HANGGANG KATAPUSAN

HINDI na muna bibiyahe ang mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers Association ng Pasay City hanggang Mayo 31, 2020.

Una rito ay nagpatawag si Tricycle and Pedicab Franchising and Regulatory Office (TPFRO) Chief Ace Sevilla ng pulong sa naturang mga opisyal sa pangunguna ni Pasay Alliance of PODA Inc. President Eliazar Dayrit hinggil sa mga panuntunan o guidelines na dapat sundin ng mga tsuper ng pedicab gayundin ng mga tricycle na mamamasada sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ang naturang guidelines ay alinsunod sa health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Fore (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases upang makontrol ang paglaganap ng COVID-19.

Aminado ang mga opisyal na maraming PODA members nila na hindi makasusunod sa guidelines na inilatag ng lungsod dahil sa katigasan ng ulo ng mga ito, at marami rin anilang driver na pasaway sa mga alituntunin na ipinatutupad.

Dagdag nila, may ilang lugar pa rin sa lunsod na nasa extreme ECQ kaya hindi sila ganap na makabibiyahe, at ang kanilang hakbang ay isang paraan ‘upang maiwasan din ang kinatatakutang pagdami ng mahawahan ng virus.’ DAVE MEDINA

132

Related posts

Leave a Comment