MISIS BINARIL SA ULO NG PULIS, PATAY

patay

RIZAL – Kalaboso ang isang tauhan ng Tanay PNP nang barilin sa ulo ang kanyang live-in partner makaraang magselos ang ginang at pinagbintangan na may ibang babae ang suspek, sa bayan ng Tanay sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, ang arestadong pulis na si P/Cpl. Romie Gie Legasi, nakatalaga sa Tanay Police Station.

Habang kinilala naman ang biktimang si Rodaville Maguete, live-in partner ng suspek.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dakong alas-5:30 ng hapon noong Oktubre 26.

Nagselos umano ang biktima at pinagbintangan ang suspek na may ibang babae.

Pagkaraan ay bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang biktima.

Sa press statement ni Baccay, sinabi niyang ikinalungkot niya ang nangyari at nakikiramay siya sa pamilya ng biktima.

Dagdag ni Baccay, asahan ang patas na imbestigasyon sa kaso ng pulis at dapat umanong manaig ang batas para makamit ng biktima ang hustisya.

Ani Baccay, ang pulisya ay walang sasantuhin sa mga nagkasala sa batas at papatawan ng karampatang parusa sakali na mapatunayang ito ay nagkasala. (ENOCK ECHAGUE)

24

Related posts

Leave a Comment