MOST WANTED, 1 PA KALABOSO SA P.6-M DROGA, ARMAS

ARESTADO ang dalawang lalaki, kabilang ang nangunguna sa talaan ng most wanted persons ng National Capital Region Police Office (NCRPO), makaraang mahulihan ng tinatayang P.6 milyong halaga ng marijuana, shabu, baril at pampasabog sa buy-bust operation sa Navotas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw noong Agosto 19 nang arestuhin sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque sina Roberto Huelba y Felix alyas “Kevin Huelba/Mucho” at Jaymee Dionisio y Ruiz alyas “Imoy”, top 1 most wanted person ng NCRPO, at kasapi ng Legaspi drug group.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 4,300 gamo ng marijuana na may presyong P516,000, at 17 gramo ng shabu na may presyong P115,600.

Bukod dito, nakumpiska rin sa mga suspek ng isang caliber .38 SPL revolver (ARMSCOR 202) na may serial number 1032108; apat na bala ng cal .38; isang granada at isang digital weighing scale.

Si Dionisio ay may nakabinbing warrant of arrest para sa two counts ng murder (docket nr. N22-442-CR, N22-044-CR) at frustrated murder (docket nr. N21-877-CR) na inisyu ng Regional Trial Court branches 286 at 288 ng Navotas City. (ALAIN AJERO)

70

Related posts

Leave a Comment