MOST WANTED PERSONALITY NG MAYNILA, ARESTADO

QUEZON – Shabu ang itinuturing na dahilan nang pagdanak ng dugo sa pagitan ng magkababata.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest, inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Renielle Punzalan, umano’ y top 1 most wanted personality ng Manila Police District.

Si Punzalan ay suspek sa pagbaril at pagpatay sa kababata na si Robin Roland Relango, 24 anyos, noong Disyembre 2019.

Batay sa ulat ni P/Lt. Glenzor Vallejo, hepe ng MPD-Warrant and Subpoena Section, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa Abacilla ng Manila Regional Trial Court Branch 45, sinalakay ng mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay sa #008 Dama de Noche St., Brgy. Payatas, Quezon City, bandang alas-9:00 ng umaga.

Ayon sa pulisya, noong una’y inakala ni Relango na nakalimutan na ni Punzalan ang kanyang atraso kaya niyaya ang suspek sa kanilang bahay.

Ngunit siningil ng suspek ang biktima at nang walang maibayad ay pinagbabaril.

Pagkaraan ng insidente ay tumas ang suspek hanggang sa madakip ng mga pulis. (RENE CRISOSTOMO)

381

Related posts

Leave a Comment