MRT-3 REHABILITATION INIURONG SA MAYO

mrt15

(NI JESSE KABEL)

INIURONG ng mahigit dalwang buwan, mula sa target date na Pebrero ngayong taon, ang nakatakdang rehabilitasyon para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na ilipat sa buwan ng mayo.

Ito ay dahil sa sunod sunod na aberyang naitatala sa biyahe ng MRT nitong mga nagdaang araw.

Tatlong magkakasunod na araw ay nakaranas muli ng aberya sa biyahe ng MRT-3.

Nilinaw naman ni Michael Capati, head of operations ng MRT-3, na nagkaroon ng delay sa pagproseso ng mga papeles ang kompanyang Sumitomo na siyang mangunguna sa nasabing rehabilitasyon.

Ilan sa mga nakatakdang ayusin noon pang nakaraang buwan ang mga sirang elevators at escalators sa mga estasyon ng MRT. Oras na maayos na ang dokumento ng Sumitomo ay agad aniyang uumpisahan ang pagkukumpuni sa mga ito.

Kasama rin sa rehabilitasyon ang paglalagay ng dagdag na mga tren para sa mas mabilis na biyahe ng mga pasahero.

Samantala, nasa siyam na tren naman ang umaandar sa MRT-3 Miyerkoles ng umaga at dadagdagan pa hanggang 15 tren pagsapit ng rush hour.

Patuloy rin ang pagdating ng mga pasahero sa MRT North Avenue Station pero hindi pa naman nagkakaroon ng pila.

Magugunitang noong Martes ay nagkaroon ng aberya sa MRT Quezon Avenue Station bandang alas-7:40 ng umaga at maging sa MRT Cubao Station bandang alas-8:30 Miyerkoles ng gabi. Walang pinababa sa mga pasahero pero nagdulot ito ng mahabang pila at mas mahabang biyahe.

 

 

216

Related posts

Leave a Comment