MURDER SUSPECT PATAY SA PARAK

0

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkamatay ng isang wanted person sa kasong murder, matapos na manlaban umano sa joint operatives ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at RIU-NCR sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, sa implementasyon ng warrant of arrest.

Kinilala ni CIS chief, P/Maj. Elmer Monsalve ang napatay na suspek na si Ramon Quillo y Esmani, 48, may asawa, security guard, tubong Bacolod at residente sa Lower Pinatubo, Amety Vill, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon, si Quillo ay may standing warrant of arrest para sa kasong murder, na inisyu ni Hon. Maria Luisa Lesle G. Gonzales-Betic, presiding judge ng Branch 225, Regional Trial Court, Quezon City, at walang piyansang inirekomenda.

Dakong alas-9:00 ng umaga nitong Lunes nang mangyari ang insidente sa Spillway corner Wawa Road, Barangay San Rafael, Montalban, Rizal.

Nakasakay umano si Quillo sa motorsiklo nang matunugan ang presensiya ng mga pulis sa lugar kaya nagpaputok naging dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment