MUSLIM DUMAGSA SA LUNETA SA EID’L ADHA

eid55

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)

LIBU-LIBONG  Muslim ang dumagsa  sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila, Linggo ng umaga para ipagdiwang  ang  Eid’l Adha o Festival of the Sacrifice.

Alas 4:00 ng umaga ay dagsa na ang mga Muslim  para sama-sama na manalangin sa Quirino Grandstand bilang paggunita  ang kahandaan ni Propeta Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na si Ishmael.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), kasunod nito ay  sama-sama silang nauupo at naghintay para sa muling pagdarasal ganap na alas  7 ng umaga, na sinundan ng sermon ng kanilang Imam.

Nagkaroon din ng isang masaganang almusal  matapos naman ang sermon ng kanilang Imam

Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakamahalagang Islamic holiday, alinsunod sa Muslim calendar.

Ito ag ginugunita  pagkatapos ng Eid’l Fitr, na hudyat naman nang pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan.
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng Lunes, Agosto 12, bilang isang regular holiday, bilang pakikiisa sa naturang mahalagang okasyon.

 

165

Related posts

Leave a Comment