NAVOTAS NAGLABAS NG ORDINANSA SA MORATORIUM SA HOUSING FEES

NAGPASA ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng ordinansa na naglalayong hindi muna pabayaran ang maintenance fee sa pabahay at renta sa mga pasilidad nito.

Sa City Ordinance No. 2020-29, hindi muna pababayarin ang mga residente ng NavotaAs Residences sa Brgy. San Roque at NavotaAs Homes 1 at 2 sa Brgy. Tanza 2 ng P300 buwanang maintenance fee ng kanilang housing unit hanggang Hunyo ngayong taon.

Libre rin munang magagamit ang mga stall sa NavoKabuhayan at ang tatlong multi-purpose hall sa NavotaAs Homes 1 at 2 hanggang Hunyo.

Ang ibinayad para sa Marso hanggang Hunyo ay ituturing bilang kabayaran sa Hulyo 2020 at sa susunod pang mga buwan.

“Hindi na pinabayaran ang mga fee na ito noon pang March hanggang May 2020 base sa nakasaad sa City Ordinance No. 2020-12. Kinailangan naming mag-adjust ng validity period sa polisiyang ito dahil pinalawig ang enhanced community quarantine sa Navotas hanggang May 31,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Maraming mga pamilyang Navoteño ang naghihirap dahil sa pandemya ng COVID-19. May mga nawalan ng trabaho, may mga hindi na nakapasok dahil sa iba ibang rason. Hangad namin na mapagaan ang kanilang pasanin at makatulong sa pagharap nila ng krisis na ito,” dagdag niya. (ALAIN AJERO)

94

Related posts

Leave a Comment