Nagalit na ang director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga scalper ng UAAP – 81.
Kahapon tahasang binalaan ni Director Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga taong nagbebenta ng tiket para sa laban ng UP Fighting Maroons at Ateneo Blue Eagles para sa UAAP – 81 Season na lampas-lampas sa itinakdang presyo.
Nagalit ang heneral nang umakyat sa 17 ang nadakip ng pulisya na scalpers.
Noong Sabado, 9 ang nadakip ng mga pulis-Pasay dahil sa paglabag sa Anti-Scalping Ordinance ng lungsod.
Tapos nadagdagan ito ng walo pa.
Idiniin ni Eleazar na sa ikalawang paghaharap ng UP at Ateneo sa Miyerkules ng hapon na siguradong manghuhuli ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ng scalpers.
Ang lubos na ikinagagalit ni Eleazar at mga mag-aaral ang paangunahing biktima ng mga scalper.
“We will catch and arrest these scalpers wherever this (referring to UP vs Ateneo game) goes. I pity students who want to enjoy a good basket,” paliwanag ng hepe ng NCRPO.
Naniniwala si Eleazar na may sindikato sa scalping.
117