NCRPO PINALAKAS SA OPENING NG KLASE SA PRIVATE SCHOOLS

police

(NI NICK ECHEVARRIA)

NANANATILI ang mga kapulisan sa kanilang mga pwesto na nauna nang inatasan para mangalaga sa pagbubukas ng klase at sa pagkakataong ito ay sa mga pribadong eskuwelahan naman sa Metro Manila.

Ito ang ipinahayag ni P/MGen.  Guillermo Eleazar, Director of National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Linggo, matapos bigyang kautusan ang limang police district na nasasakupan nito na palawigin ang kanilang security measures sa mga lugar malapit sa mga private scholls.

Kabilang sa limang police districts na sakop ng NCRPO ang  Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Northern Police District (NPD), Southern Police District (SPD), and Eastern Police District (EPD).

“This actually means additional areas of operations for our personnel but there is no problem that. We have been doing this every year and we are banking on the lessons learned and experiences of our commanders and personnel on the ground,” ayon kay Eleazar.

Inaasahan ni Eleazar na maraming kapulisan ang makikita sa mga lansangan lalo na sa mga malalapit sa paaralan bilang mga crime-deterent.

Binigyang diin pa ni Eleazar na pagtutuunan nila ng pansin ang mga street crimes dahil sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes ay kasama na ang mga kolehiyo at unibersidad kung saan ang ilang mga estudyante ay posibleng maydalang mga pera pambayad sa kanilang mga matrikula at boarding house.

Palalakasin din ng NCRPO ang kanilang mga beat patrols para bantayan ang mga out-of-school youth na mahilig mang-bully sa mga estudyante  at sa mga masasamang elemento ng lipunan kasama an ang mga drug traffickers na posibleng mambiktima sa magbabalik eskwela.

Nauna nang idineklara na generally peaceful ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan nitong June 3 na nasasakupan ng NCRPO at wala umanong naitalang mga untoward incidents.

Muling ipinaalala ni Eleazar sa mga estudyante, mga magulang at mga opisyal ng mga paaralan na mayroon silang itinalagang mga police assistance desks na maaari nilang lapitan anumang oras para sa anumang reklamo.

Nasa kabuuang 7,153 na mga pulis ang nakakalat sa iba’t ibang mga paaralan sa Kalakhang Maynila kasama na ang 2,000 sa kanila na mangangasiwa sa ng mga police assistance desks.

167

Related posts

Leave a Comment