NO. 1 MOST WANTED ARESTADO

ARMADO ng warrant of arrest, inaresto ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa kasong pagpatay sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Biyernes.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na kinilalang si Gerald Maningo y Sabili, binata, ng #1381 Batangas St., Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., station commander ng Manila Police District-Station 2, bandang alas-5:00 ng hapon noong Mayo 21 nang arestuhin ang suspek sa Blk.15, Baseco Compound, Port Area.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Phrincess Mabajarias-Hermogeno ng Manila Regional Trial Court Branch 48, sa pangunguna ni P/Capt. Loreto Tigno, hepe ng Station Intelligence Branch, at P/Capt. Joselito Delos Reyes ng Warrant & Subpoena Section ng nasabing himpilan ng pulisya.

Ayon sa ulat, sa pamamagitan ng impormante at ilang kaanak ng biktima ay natunton ang kinaroroonan ng suspek.

Hindi na nakapalag ang suspek nang ipakita ang kanya warrant of arrest mula sa korte. (RENE CRISOSTOMO)

66

Related posts

Leave a Comment