NOGRALES KATUWANG NG DOLE SA PAGPROTEKTA SA LABOR RIGHTS

(JOEL O. AMONGO)

KATUWANG si Rizal, 4th District Cong. Fidel Nograles ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma sa pagsusulong at proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa.

Kamakailan, binisita nila ang Palo, Leyte upang makipag-ugnayan sa iba’t ibang Public Employment Service Offices o PESO ng bansa.

Ayon sa batang mambabatas, “Layunin po natin na isulong at ilapit ang mga programa at serbisyo ng ating pamahalaan sa mga bayan, lungsod, at lalawigan ng ating bansa sa pamamagitan ng PESO”.

“Sa House committee on labor and employment, pinag-aaralan naman po natin kung paano paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act No. 8759 o ang PESO Act of 1999.”

Kamakailan, winelcome ng chairman ng House labor and employment committee ang Memorandum of Agreement na naglalayong pagyamanin ang pakikipagtulungan para sa promosyon at proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa.

“The MOA between the Commission on Human Rights and Department of Labor and Employment is a welcome development in government’s efforts to uphold workers’ rights. I hope that through this MOA we can make significant headway in ensuring that our workers are protected against abuse,” ani Rep. Nograles.

Ang CHR-DOLE agreement ay nabuo dahil sa pangangailangan na mapahusay ang koordinasyon sa kaugnay na government agencies para maisulong at maproteksyonan ang labor rights, na tinalakay sa high-level tripartite meeting na inorganisa sa pamamagitan ng International Labor Organization (ILO) kamakailan.

Layunin ng MOA na mapabuti ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon, pag-refer ng mga kaso, at pagkakaloob ng libreng payong legal, pagsasanay at pagsusulong ng mga aktibidad, at policy development partikular na sa karapatan ng mga manggagawa, sa pagitan ng CHR at DOLE.

171

Related posts

Leave a Comment