ONLINE SELLER, 1 PA HULI SA P.2-M SHABU

NADAKIP ng pinagsamang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Cabuyao Police ang dalawang kababaihan sa buy-bust operation at nakumpiska ang P230,000 halaga ng umano’y shabu.

Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo ang mga suspek na sina Babylyn Brillante, 27, online seller, at May Velarde, 25, kapwa ngBrgy. Banay-Banay Lakeside, Cabuyao, Laguna.

Ayon sa report, isang confidential informant ang nagtungo sa PS 11 upang i-report ang illegal drug peddling activities ng mga suspek.

Agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad dakong alas-7:30 umaga noong Martes sa Block 36, Lot 15, Phase 3, Banay-Banay Lakeside, Cabuyao Laguna na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek at nakumpiska ang P238,000 halaga ng ilegal na droga. (JOEL O. AMONGO)

96

Related posts

Leave a Comment